Big Mac

Posted on August 13th, 2007

Since nasimulan ko na din lang ang pagse-share ng mga past entries ko dito from my previous blog edi lulubos-lubusin ko na. :D
Eto talaga isa sa mga favorite kong entry. Sana magenjoy kayo.

***

 

posted @friendsterb blog last August 17, 2005

BIGMAC

the best way to mend a broken heart and to heal a lost soul is to eat BIGMAC! yes! BIGMAC!

kainin mo sya na parang dun mo binubuhos lahat ng kalungkutan at frustrations mo… im sure all of you are wondering “SAN GALING YUN?!” kasi ganito yun…

a couple of weeks ago, nagpunta akong Imus (may inutos si madir) on my way home, i decided na dumaan ng mall, mag-internet at magpalipas ng oras dahil medyo maaga pa naman para umuwi, besides lalo lang ako malulungkot (malungkot kasi ako that time) so might as well libangin ang sarili. nang makaramdam ako ng gutom, pinag-isipan ko kung ano ang gusto kong kainin…

SIOMAI? hmmm… i don’t feel like eating siomai that day (my super favorite)

napadaan ako ng greenwich… PIZZA? nah!

CHICKEN? ayaw…

napadaan ako ng TOKYO TOKYO, JAPANESE? (i mean food.. haha) hmmm… di ko feel..

lito ako as to what i really wanna eat, siguro dahil hindi naman ako ganun kagutom, besides parang may hinahanap ang panlasa ko, something new… it’s just that parang hindi na naman nakikisama ang appetite ko. i’ll just eat for the sake of eating. ang gulo ko no? kahit sa pagpili ng pagkain windang ako!

nakadalawang beses na siguro ako umikot kakahanap ng makakainan. actually di pa naman ganun kagalit ang tiyan ko, pero ang paa ko umaangal na! kaya ng mapatapat ako sa MCDONALDS

“dito na nga lang!” sabi ng lost kong utak.

habang nakapila ako parang nag-hang ang utak ko, tinatamad na sigurong mag-isip… hindi na tuloy nakuhang isipin kung anong dapat orderin, yung dati na lang na nakaprogram na sa utak ko MY USUAL. so when the crew asked for my order ganito ang tinatakbo ng utak ko…

“isang value meal no.6 (which is burger mcdo, take note ang pinaka plain na burger) for dine in, pa-upgrade ng drinks at fries… un lang…at miss padagdag pala ng ketchup… thank you.”

akala ko yun din ang sinabi ko sa crew. kaya medyo naalog ang kamalayan ko nung inulit ng crew ang order ko…

“ma’am your order is value meal no.1, BIGMAC, upgrade po ang drinks and fries. is that all ma’am?”

1… 2… 3… (seconds) ang lumipas, medyo di pa nagsi-sink in sa utak ko na ang na-order ko ay BIGMAC! ang pinakamalaking burger ng mcdo!

“ahhhhmmmm…. yup…” sagot ko habang tuliro pa din.

“ma’am ok lang po ba if you wait for 5 minutes?” the crew asked.

“jojie! pagkakataon mo na! palitan mo ang order mo! aanhin mo ang BIGMAC?! di mo sya mauubos!” bulong ni konsensya…but instead ang nasagot ko…

“ok lang..” arg! tanga!

nung nakaupo na’ko, iniisip ko… “pano ko sya uubusin?” hindi naman kasi ako malakas na kumain, before, oo… but i lost my hearty appetite a long long time ago, at ngayon hindi na ko makakain ng madami dahil hindi na talaga kakayanin ng tiyan ko. kaya di ako umuorder ng hindi ko kayang ubusin, besides mahirap ang buhay, BAWAL MAGAKSAYA! pero teka! bakit ko pa nga ba sya poproblemahin, e andiyan na e.. BAHALA NA SI BATMAN!

nilantakan ko na ang french fries habang hinihintay ko ang BIGMAC… when suddenly out of nowhere, nalungkot ako… darn! kaya nga nandito para kalimutan muna pansamantala ang lungkot… pero parang di nya ko tatantanan… im starting to feel really bad and the tears are starting to build up, nang finally dumating na si BIGMAC!

i still didn’t feel so good, kaya tinitigan ko muna yung box na parang may kung ano akong sinusuri, pero ang totoo tulala lang ako. binuksan ko ang box at tinitigan ko ang BIGMAC na parang sinusumbong ko sa kanya ang lahat… bago pa ko tuluyang maiyak, feeling ko nagsalita BIGMAC at sinabi…

“everything will be alright.”

huminga ako ng malalim and decided just to eat it…

first bite… second… third… sa bawat kagat feeling ko dun nabubuhos ang frustrations at depressions ko, ninamnam ko sya na parang dun ko mahahanap ang lunas sa kalungkutan ko… bago ko pa mamalayan, naubos ko na sya! oh my gah! naubos ko sya!

as if magic na after that i felt relieved… as in… kahit na medyo hindi ako makahinga dahil masakit ang tiyan ko, i didn’t bother. it’s like as if i also fed my soul… (andeep grabe)

ewan ko! siguro nga luka-luka na ko, gawan ko din ba ng drama ang BIGMAC?! at kung hindi pa, siguro malapit na! isipin ko ba namang nagsalita ang hamburger! maryosep! tsk! tsk! malala na talaga ako… but i guess i should thank that talking burger, for keeping my sanity still intact (intact pa nga ba?!)

kakaloka!!!!! wag naman sanang mapadalas ang punta ko sa MCDO, to seek the help of DR. BIGMAC

to wrap this all up! eto lang yan e…

“paparapapa… luv ko to…” (refering to BIGMAC)

yeah… whatever.

***

Yan ay nung mga panahong nagrerecuperate ako from a major heartbreak. Kadiri no? At tsaka nga pala… Payat pa’ko niyan at hindi parang patay gutom pag kumakain. :D

 

Bookmark and Share

Filed under: buhay ko, tralala moments


Add to Technorati Favorites

Magsubscribe na ever via email!

Delivered by FeedBurner
Ang mag-subscribe may mababait at super cute. Echos!

9 Responses to “Big Mac”

  1. dheyNo Gravatar Says:

    aherm… ^_^


    jojie says:

    :D teodoro! lipat ka na dito.. di ako makapag-comment sa blog mo e.

    replytsina

  2. kurokuroNo Gravatar Says:

    salamat sa pagbisita sa aknig blog!


    jojie says:

    :D walang anuman. salamat din sa pagdaan.

    replytsina

  3. druNo Gravatar Says:

    Alam mo.. Diyan tumataba ang karamihan ng mga babae: Depression. Pero okay ha, kinaya mo. Baka kasi gwapo ang crew sa cashier kaya di ka nakapagtanggi. No? Noh?!


    jojie says:

    babae yung crew no! LOLs! gaya mo pa ko sa’yo :P pero miss ko na ang Big Mac tagal na din di ako kakain nun.

    replytsina

  4. tim angNo Gravatar Says:

    nakakagutom ang entry na to.


    jojie says:

    :D e lalo pa kung nakikita mo kung paano ko ginahasa ang big mac na yan noon.

    replytsina

  5. Ms. RedNo Gravatar Says:

    honga, sarap lumamon pag depress ka. Pero ako mas type ko yung 1 pint ng baskin robins’ pralines and cream (ice cream),, huwaw!!!!


    jojie says:

    ay type ko din ang ice cream… :D

    replytsina

  6. A Z R A E LNo Gravatar Says:

    waaaaaaaaag bigmac sarap! *tumutulo laway


    jojie:

    *pahid laway ni azrael*

    replytsina

  7. brathNo Gravatar Says:

    mis ko na ang big mac kaya lang sa tuwing kakain ako nun kalahati lang ang nauubos ko eh sana magkaroon sila ng small mac para hindi masyadong malaki diba? hehehehe

    xiao!


    jojie says:

    yun nga ang challenge dun e. ang maubos mo siya. :D

    replytsina

  8. selvoNo Gravatar Says:

    jojie hija… bakit may feeling akong ang iyong pagkalungkot ay bunga lamang na isang matinding…. GUTOM!!!


    jojie says:

    :D kasama na din siguro yun.

    replytsina

  9. A Z R A E LNo Gravatar Says:

    small mac wahihihi natawa ako dun ah.. pero malaki na ba bigmac para sa inyo? i remember when i was still young, at bago pa ang ang mcdo.. ang laki tlaga ng bigmac nun. ngayon parang cheeseburger na lang eh lols

    replytsina

Mag-Comment Galore



SOME KINDA-MEDYO KAPAREHONG POSTS-SLASH-ENTRIES