Pet Peeves

Posted on August 11th, 2007

Hindi ako mahirap makasundo at wala pa naman akong nababalitaan na makita palang ako ay nagpuputukan na ang mga ugat sa batok. Keri lang. I can adapt to each of anyones personality, iginagalang ko ang aspetong yun ng pagiging tao.

Pero…

Dahil sa tao lang din naman ako, may mga bagay din namang nakakapagpakulo ng dugo ko. Pasensiyosa ako period. Pero may mga ugali at personalidad ng tao na I can’t tolerate. It’s not that I murder them or curse them to death, sila lang yung 100% na lalayuan ko at hindi ko iaapprove ang invites nila sa friendster o myspace.

Let me classify them:

1. PERPETUAL WHINER

Hobby: Ang bwisitin ka sa walang katapusang drama ng buhay niya.

Hello……….. You’re not ‘that’ important para i-single out ng universe para pahirapan. Try mo kayang magka AIDS para justifiable naman ang walang patumagga mong reklamo sa buhay.

2. BITTERNESS GALORE

Hobby: Magbitiw ng maaanghang na komento hanggang sa magka-almuranas ka na sa sobrang inis.

Paborito ko ang ampalaya, lalo na yung guisado. Pero hindi ka naman pwedeng sahugan ng bawang, kamatis, sibuyas, baboy at itlog.

3. FREELOADERS

Hobby: Sumulpot pag may pera ka at maglaho pag wala ka na kahit pambili ng candy.

Bagay ka sa maduming mundo ng pulitika at showbiz.

4. SHOWBIZ TABLOID REPORTER WANNABE

Hobbies: Magkalat at mangalap ng mga walang kwentang tsismis.

Mind your own crap!

5. FC [Feeling Close]/EPALOIDS

Hobbies: Umepal, umepal, umepal… wait, did I say umepal?

Ipatapon ka kaya sa mars?!

6. SELF-RIGHTEOUS BEEATCH

Hobby: To bitch around to the maximum level.

Bitch slap gusto mo?!

7. UBER EGOCENTRIC

Hobby: Feed his/her ego.

Pakain mo kaya ang colossal ego mo sa mga nagugutom sa Africa, para naman pakinabangan.

Madami-dami din pala. Yan namang mga nabanggit ay to the extreme level lang naman. Kabahan ka na pag hindi ko in-accept ang invitation mo sa friendster at myspace, malamang isa ka sa mga nabanggit.

Bookmark and Share

Filed under: buhay ko, pagnilay-nilayan


Add to Technorati Favorites

Magsubscribe na ever via email!

Delivered by FeedBurner
Ang mag-subscribe may mababait at super cute. Echos!

6 Responses to “Pet Peeves”

  1. Ms. RedNo Gravatar Says:

    Buti walang manyaks dyan sa list mo, hehehe


    jojie says:

    :D ibang kaso naman ang manyak. hehehehe.. balak ko silang ipunin at pagpuputulan ng sabay-sabay.

    replytsina

  2. brathNo Gravatar Says:

    hay tama ka jan marami talagang mga taong ganyan, sana wala ako sa isa sa mga yan ahahay

    xiao!


    jojie says:

    hmmm.. on-going yung pagimbento ko ng device para madetect yung may mga ganitong ugali. :P

    replytsina

  3. JeanGreyNo Gravatar Says:

    1. Perpetual whiner - ouch… opo magpapakabato na mula ngayon :P


    jojie says:

    aba tinamaan? LOL!

    replytsina

  4. JeanGreyNo Gravatar Says:

    oo ang laki ng bato mo e sapul ako… pero salamat pa din oks lang kaya nga ako nagising e :P


    jojie says:

    buti nga nagising ka lang, di ka nabukulan.. wahehehe… *peace* :D

    replytsina

  5. eye opener « Letters From The Soul Says:

    [...] Habang namamasyal ako dito sa mundo ng wordpress… bigla akong napaisip sa entry na to ni Jojita. Lalo na sa line na to 1. PERPETUAL [...]

  6. rHoNo Gravatar Says:

    ang taray ha!!! i-accept mo kaya ako??! lolz! bibigyan kita ng b**** slap na sinasabi mo! hehehe…

    hoy, kamusta na ba!?? busy ako… pansin mo ba?


    jojie says:

    ay pansin na pansin ko kafatid. katok ako ng katok sa blog mo laging walang tao. LOL! :D ako eto diva-divahan padin.

    replytsina

Mag-Comment Galore



SOME KINDA-MEDYO KAPAREHONG POSTS-SLASH-ENTRIES