PING

Posted on August 10th, 2007

Habang nag-iisip ako ng mai-popost para sa araw na ito, naalala ko ang alaga naming aso, so I’ve decided to publish here my past entry from my previous blog. Medyo luma na ‘to [posted: 7-28-05@friendster blog] sana hindi pa panis.

***

PING

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

 

Tribute ko ito sa alaga naming aso named PING… although hindi pa naman talaga sya tsugi (muntikan na), gusto ko lang gawan ng drama ang aso naming mahal. Malay nyo may mapulot kayong aral na magpapabago ng mga buhay nyo… (whatever!)

Paano nga ba sya napunta sa amin? Kapalit sya ni KIMBOT, ang aso naming isang dekada na sa pamilya, na iniligaw namin. yeah i know that sounds so cruel… Iniligaw namin sya sa kadahilanang di namin sya kayang makitang mamatay (she’s so old), iniyakan ko kaya yun! Kung ako lang ayaw ko but it was the right decision at that time… (naks! drama ito!!) For months wala kaming aso, and we are looking for another one. Yung tiyuhin ni Daddy, nag-offer na ibigay na lang sa amin yung isa nyang tuta… actually hindi na sya tuta, semi-aso na sya, malaki na sya nung dalahin sa bahay at hindi na kami ang nagbigay ng name. Umapela pa nga ako nun na baka pwede pang palitan, pero wiz! na daw dahil dun na sanay si semi-aso, so fine! PING na ang pangalan nya. Lalaki sya pero feeling ko sya ay bading… dahil pag jumijingle sya ay nakaupo! hahaha kaya tinatawag ko syang PINGKI. Malambing syang aso, although malambing din naman si KIMBOT, iba ang lambing ni PING, parang feeling ko nga minsan may pagka OA na! parang lagi ka nyang nami-miss… Friendly din sya masyado, lahat ng pumupunta sa bahay feeling nya ka-close nya, utang na loob!!! Sana lang hindi sa magnanakaw! Oh well, kumakahol pa naman sya sa gabi… Ang ayaw ko lang kay PING, nakulangan sya sa katalinuhan, as in isa syang ASONG SHUNGA! hahaha natatakot nga kami na makalabas sya ng bahay dahil parang di na sya makakauwi! Di bale na… nacompensate naman ng kalambingan nya ang katangahan nya. Nung nabubuhay pa si Padir(sumalangit nawa…) mayroon silang love-hate relationship, kasi makulit din syang aso, sobra! hindi sya madaling disiplinahin dahil nga nakulangan sya ng brains…

Si PING at ako ay may “kulitan session” at “lambingan session”. Sya ang binubugbog ko pag galit ako (kaawa-awang nilalang… tsk!), kakulitan ko pag masaya ako, niyayakap ko pag malungkot ako… at himalang naibibigay nya sa akin ang comfort na hindi maibigay ng ibang taong malalapit sa akin, weird i know… Like what they are always saying “pet is a theraphy”. Kaya nga nung muntikan na syang matsugi dahil nga sa tanga! nakakain ng lason, ay talagang naloka ako sa lungkot at takot! iniiyakan ko na kagad nung time na feeling ko naghihingalo na sya, buti nalang mali si ATE GUY nung sabihin nyang WALANG HIMALA! dahil akala nya lang wala, pero MERON! MERON! MERON! [lol!]

Buhay pa si PING sa awa ng DIYOS NG MGA ASO… at talagang narelieve kami ng lumipas ang one week na hindi sya natsugi, dahil na din siguro naagapan namin ng asukal.

Ano nga ba ang saysay ng pinagsasabi kong ito at pati ang walang kamalay-malay na aso (parang si VAL?) e dinadamay ko pa sa kalokohan ko? E… wala lang… =) gusto ko lang i-share ang isa sa mahalagang nilalang sa buhay ko…

 

MORAL LESSON: mag-alaga ng ASONG SHUNGA pero SWEET!!!

Bookmark and Share

Tags:
Filed under: buhay ko


Add to Technorati Favorites

Magsubscribe na ever via email!

Delivered by FeedBurner
Ang mag-subscribe may mababait at super cute. Echos!

8 Responses to “PING”

  1. A Z R A E LNo Gravatar Says:

    this is a nice entry jojie. i can relate coz i’m also a dog lover. bata pa lang ako mahilig na ako talaga sa dogs. i never had a good relationship with my brothers, kaya nung lumalaki na ako, ang mga naging alaga ko ang naging saksi sa lahat ng kalokohan ko sa buhay lol. there’s one particular pet that i’d really love. it’s a japanese spitz named QUEENIE. a friend gave her to me. sobra panget nya nung puppy pa sya, but when she grew up, sya na yata pinakamagandang aso sa lugar ko. i used to take her on a stroll 2 times a day. iba bonding namin dalawa nun. minsan dun yun natutulog sa kwarto ko. even the family got attached so much with that beautiful doggie, kahit sa mga family outings lagi kasama yun. queenie was a very loyal dog. she doesnt bark much, but wen she feels that im in a gloomy mood, she barks to much para mapunta atensyon ko sa kanya. mahilig din yung magta-tumbling, parang sira lol. one week before my lola died, naging matamlay si queenie. and wen my lola passed away, she died a few hours later. i miss that dog. even if i get another one, i dont think queenie will ever be replaced..

    thanks for sharing this post. it made me remember my best friend :D


    jojie says:

    miss ko na nga sa PING. :( madalang na kasi ako makadalaw sa bahay. pag stressed-out ako parang gusto ko umuwi at lambutsingin si PING. :)

    replytsina

  2. tim angNo Gravatar Says:

    Si Ping ang kinabukasan…
    May alagang aso rin ako, 10 years ago na yun. Chummy ang pangalan. Mga buwan lang ang inabot niya. Tapos nung nakikita kong malapit na siyang ma-dedo, uber iyak talaga ako.


    jojie says:

    o diba makalaglag luha naman talaga ang mga kahayupan, lalo na pag napamahal sa’yo.

    replytsina

  3. TRISHBABENo Gravatar Says:

    we had a beagle dog named JAZY when i was in grade school. he died more than a decade ago, may nagpakain ng lason :( . miss ko na rin sya, parati lang ung nakasunod sa kin pag nasa bahay ako. kung si PING ay friendly sa lahat ng mga bisita nyo, eto naman ay sobrang ingay, kahol nang kahol sa mga bisita. he hated our next door neighbors, he used to keep on barking at them pag nakikita sila. cgurado ako sila nagpakain ng lason kay jazy, diko naman sila maidemanda kasi wala akong ebidensya. lols


    jojie says:

    ay ang harsh! e kung sila kaya ang lasunin pag nagkakahol. LOL! :D

    replytsina

  4. brathNo Gravatar Says:

    hay meron din akong alagang puppy noon siguro mga 10 years old pa lang ako name nya fluke. His name sounds weird pero nakuha lang namin yun sa isang movie, napakakulit at malambing niya gaya ng aso mong si ping pero nagkasakit siya, pina check up naman namin siya at binigyan ng mga gamot pero walang nangyari siguro na kulam yung aso namin kaya ganun hay sayang talaga,,,


    jojie says:

    kulam?? omaygash! mas harsh!

    replytsina

  5. Hypo O Hyper? « Isagani X: My Head, My Heart, My Hands Says:

    [...] Mauna muna ang dapat mauna. Binabati ko muna ang mga regular na readers ko sa blog na lagi ring nag-iiwan ng nakatutuwa at mga interesting tanong, sagot at reaksyon. Sino sino sila? Isa-isahin na. Pinangungunahan ni Khonz (favorite reader ko), pinapangalawahan ni Defpotec (kapanalig sa Palaban) at Bonnie (crush ko talaga ang attitude mo, hindi mo lang alam. hahaha); pangatlo sina Raymond (blogger na Random ang mga pinopost sa blog niya), Tim Ang (kaway kaway naman dyan) at si Jojitah. [...]


    jojie says:

    :D yehey! favorite na niya ko. tenchu.. *mwah!*

  6. selvoNo Gravatar Says:

    di ako naging mahilig sa pets although wala naman akong problema sa hayop at sa mga pets ng iba. pero di naman ako ganito nung bata pa ako dahil ang hilig ko nun mag-alaga ng hayop sa farm ng lolo ko sa Basilan. Siguro nawalan ako ng ganang mag-alaga ng pet dahil sa isang makakabiyak-pusong pangyayari noon.

    May alaga akong manok nung mga 5 or 6 years old ako… hindi pan-sabong, sya ay isang ordinaryong tandang. Dahil sa farm ng Lolo ko ito ang mga manok ay pagala-gala at pumupunta lang sa silong ng bahay sa bandang breakfast at bumabalik sila doon pag palubog na ang araw dahil nagsasaboy kaming mga bata ng mga butil ng mais para sa kanila. Unang-una kong hinahanap lagi ay ang tandang na peborit ko (nakalimutan ko na an pangalan na binigay ko sa kanya).

    Ayun na nga, isang araw - kaarawan ko, nagising ako ng maaga para magpakain ng manok, ngunit wala si tandang ko. Inabangan ko sya buong araw - hindi ko na yata masyado na-enjoy ang masarap naming ulam sa tanghalian dahil napapaisip ako kay tandang. Nung bandang hapon, mas maaga akong nagsaboy ng mga mais sa silong ng bahay(gulat ang mga manok dahil maaga.. hehehehe). Wala pa rin si tandang. Medyo malungkot na ako kaya pumunta ako sa may likod ng bahay at dun nagmumok. Asusmaryosep dun ko nakita ang mga balahibo na kakulay ng balahibo ni tandang ko. Nalaman ko na lang sya pala ang naging ulam sa birthday ko. Galit na galit ako nun sa aking lola na tumigok sa manok ko. Di ko naisip na sa isipan ko lang pet si tandang, sa mata ng iba sya ay isang ordinaryong manok na ang misyon sa buhay ay magptaba para magng masarap na ulam.


    jojie says:

    ang harsh din! traumatic nga kung ganun. buti na lang hindi pa IN na ihanda ang aso pag birthday.

    replytsina

  7. menggaYNo Gravatar Says:

    …wow! tingin ko mukhang mabait naman pet si ping kapag tiningnan yung mukha nya maamo!ang mga mata nya maganda..parang naalala ko tuloy yung aSo namin named chop chop mahal na mahal siya ng buong family namin kahit nga mga bisita kilala siya…napakabait nya kahit minsan pasaway siya binabawi nya naman sa paglalambing open kasi siya sa loob ng bahay kaya yun madalas akyat baba siya sa sofa…kulitan kami…

    sayang nga lang maaga siyang binawi samin..2 days siya nawala at nakabalik pagkatapos ng 2 araw na bagyo kaya lang mahina na ang katawan niya. di nya siguro nakayanan ang lamig at pagkabasa dulot ng bagyo…

    Sana maGkita ulit kami ni Ping…!!!!


    jojie says:

    ang harsh din! bakit kaya lahat ng ka-harshan sa mundo sa mga pet natin nangyayari.
    magkikita pa kayo ni ping no. :D

    replytsina

  8. malenNo Gravatar Says:

    JOJIE

    hahaha…tawa ako ng tawa ditoo..hahahhaa

    anobeh..shunga shunga ba? ahahahah

    malen’s last blog post..TAG: 3 things about PCs that bug you most

    talak ni jojie:

    pero sweet naman siya amiga. LOL! dun naman niya binawi.

    replytsina

Mag-Comment Galore



SOME KINDA-MEDYO KAPAREHONG POSTS-SLASH-ENTRIES