when will I learn how to write?

Frustrated writer ako, hindi lang halata no? [dahil walang potential] Iilan-ilang tao lang ang nakakaalam, na palagay ko ngayon ay madami na [salamat sa blog na ito], na gusto kong magsulat.

Late ko na narealize [hindi naman kahapon lang ha] na yun ang gusto kong gawin. Ang sagot sa matagal at paulit-ulit na itinatanong ng mga naging teacher ko nung araw, kung ano ang gusto ko ‘maging’ paglaki ko. Nagising na lang ako isang araw na gusto ko na siya. Hindi yung pagkagusto na parang gusto mo lang kumain ng mainit na pandesal sa hating gabi ha. Gusto ko siya, yung pagkagustong kagaya ng pagkagusto mo sa pagkakatimpla mo sa kape mo.

Sa totoo lang hindi ako handa. I mean, sa realization na yun kasi alam kong madadagdagan lang ang frustrations ko na sandamakmak na. Lalo na at late na [sa paniniwala ko ha] para i-equip ko ang utak at sarili ko para magawa ko ang gusto ko.

Kaya nga ako trying hard at nagpapaka-trying hard na blogger. Dito kahit papano natitighawan ang lust ko to write.

My friend once said:

Pag nagsulat ka kasi minsan, kulang sa puso…

Puso? Siguro nga… Ugali ko na yun e, to hold back. I’m afraid to trust, but then they say for you to be a good writer you must put your heart and soul in it. Being passionate is being an effective writer.

Hay…

Ewan ko. Andun ang passion, pero hindi ko alam kung kaya ko pa. Para sa kagaya kong binalahura ng kapalaran, natuto na lang akong mangarap lamang [nega?!].

Oh well… Sana kahit man lang dito sa pagba-blog ay maumpisahan ko kahit papano ang ‘pangarap’ ko.

Syet!! para kong singkwenta anyos na matrona na deprived sa sex! OO, GANUN ANG FEELING NUN!

Bookmark and Share
diva. 80% babae - 20% bakla. echosera. mahadera. blue curlers. komikera. gandang walang maliw. chovarloo addict. chism person. world peace enthusiast. 1 3/4's na OA. stressed-out poreber. spontaneously sweet. walking disaster. mishaps princess. with golden heart. poreber inlabs. sorta-kinda-medyo feeling goddess. girl-next-window. reyna ng tralala. etc. etc. etc.



SOME KINDA-MEDYO KAPAREHONG POSTS-SLASH-ENTRIES

7 Comments

CareTakerNo Gravatar Unknow Unknow  on August 8th, 2007



This is a nice start actually. Nasabi mo ang feeling ng pagiging frustrated writer mo.

At may passion ang entry na ito. Nabahagi mo ang sinabi ng kaibigan mo at ang iyong pagsang ayon dito.

I think you can be one of the best bloggers, basta isulat mo lamang ng isulat ang gusto mo.

Wag kang matakot na magkamali sa pagsusulat, andito kami para pagtawanan ka at i criticize, joke.

Goodluck and see you in the TOP 10 Blog dito sa wordpress. Ilagay kita sa listahan ng nililink ko and hopefully makaangat yon sa iyong traffic count. :P

replytsina

jojieNo Gravatar Unknow Unknow  on August 8th, 2007



wow. :D thank you.. that’s all I can say. :D

replytsina

druNo Gravatar Unknow Unknow  on August 8th, 2007



How else will you learn if you don’t practice? Tama din sinabi ni CareTaker, kung may mali ka, at may mag-criticize sa iyo, tanggapin mo lang. Use it to improve.

And besides, kahit anong gawin mo naman din, dapat alalahanin mo parati: You can’t please everybody.

There are just people whom you cannot please.

Like me. I’m disappointed with this blog entry.

Joke!

replytsina

A Z R A E LNo Gravatar Unknow Unknow  on August 9th, 2007



blog with the intent of speaking ur mind, and and…. and.. ano nga ba yun? lols

basahin mo na lang to pag may time ka. di ka nag-iisa..

http://azrael666.wordpress.com/2007/06/27/blogging-woes/

replytsina

MARUNo Gravatar Unknow Unknow  on August 9th, 2007



nakaka-relate ako dito sa post na ‘to.

to be a good writer or blogger doesn’t happen overnight. marami pa talaga tayong kakainin na bigas bago maging isang mahusay. buti nga may blog eh…kahit papano makaka pag-praktis tayo dito.

pero keverrr kung hindi tayo maging magaling na writer/blogger. di ko ipagpapalit ang “fun” na nararamdaman ko sa blogging ko ngayon. ang mapatawa lang ako ng isang entry na nababasa ko sa kapwa-blogger ko… enuf na yun sa akin.

wag kang maging conscious sa “blog stats” or “blog hits”. eh ano naman kung wala kang ma-create na traffic sa blogging mo? ang importante nag i-enjoy ka talaga sa ginagawa mo at yun na yun! tama, kelangan din talaga andito ang PUSO mo. :D
have a nice day, jojie.

replytsina

jojieNo Gravatar Unknow Unknow  on August 9th, 2007



dru: i Don’t aim to please everybody, imposible naman yun, kagaya mo nadisaapoint na kita agad. LOL! :D
A Z R A E L: salamat parekoy. :D it’s nice to know na may nakakarelate sa mga Drama ko.

MARU: salamat kapatid. :D minsan nga nako-concious talaga ko, parang ganito lang yan e… Nagluto ka ng putahe na walang gustong kumain. Parang ganun ang feeling minsan.

Pero sabi mo nga kiber!

replytsina

rHoNo Gravatar Unknow Unknow  on August 17th, 2007



alam mo, kahit ano pa ang sabihin ng iba… basta marunong kang mag-express ng nararamdaman mo through writing, YUN NA YUN!! kahit pa paliko-liko pa yan.. db?! aba naman… baka mamaya e may na-publish ka na palang book hindi ko pa alam! o db? ang taas ng wish! nyahahaha! gudlak sa’yo… :)


jojie says:

kafatid madaming madaming madami pa akong kakaining bigas. LOL!

replytsina

Leave a Comment