Tatlong araw ng lumulutang ang kamalayan ko sa pag-iisip at depresyon, although hindi halata kasi personalidad ko ng maging lukring. Pag nagmukha akong matino malamang na isa iyong divine intervention.

Anyway highway, yun nga… Lungkot-lungkutan ang drama at this time, hindi dahil sa wala lang akong magawa kaya napagtripan kong malungkot. Wala na itong joke, malungkot talaga.

Lately kasi nag-aaway kami ni manong, sa kung ano ang issue ay hindi ko na ipapaliwanag, basta ang pagtitinginan naming walang maliw ay on the brink of collapsing. Inaayos naman namin, we try to compromise and work things out. Pero nasa stage pa din kami ng tinatawag na “turning point” [i.e. hiwalay kung hiwalay at tuloy kung tuloy].

Kagabi, habang nagmumuni marathon nag-forward ng message ang friend-ko-na-hindi-ko-friend-pero-feeling-namin-friends-kami ng kowts:

“One rule in every relationship: No matter how fed up and carried away you are in a fight, never, ever… suggest a breakup.”

Aray!

Guilty ako dito. Ewan ko ba. Everytime kasi na nasasaktan ako laging gusto kong tumakbo at magtago [typical cancerian trait]. Maswerte pa din ako at hindi ako pinapatulan ni manong.

Love is still on the rocks, pero na-inspire ako sa forwarded kowt ng friend-ko-na-hindi-ko-friend-pero-feeling-namin-friends-kami. So… HANG ON BABY ang tema ng di-kakulayan kong love life.

Bookmark and Share