bagay ba sa’kin ang kulot?
Di’ko ma-gets kung bakit ang mga kulot obsess na obsess sa pagpapaunat ng buhok. Nauubos ang itinatabing pera para lang makapapastraight. I really don’t get it.
Ano nga ba naman ang pakialam ko?! Lalabas na ang yabang ko kasi biniyayaan ako ng unat na buhok. *ding!* That’s the operative word “biniyayaan” [super highlights na yan ha], meaning dapat alagaan at mahalin. Don’t get me wrong, I don’t intend to offend anyone as a matter of fact gusto kong malinawan sa mga trip nila kung bakit gusto nilang maging superduper staight ang hair nila na feeling nila kailangan nila suhetuhin dahil matigas ang ulo.
Parang hindi sila kasi aware na lalong nagkakasungay ang mga kulot nilang buhok kaya nagmumukang galit sa mundo sa tigas tingnan [harsh ako]. Layon nilang pagandahin pero kumbaga sa gamot may contraindications [i.e. mga buhok na pwedeng alternative sa walis tambo, abaca for that matter or worst eskoba].
Pero feeling ko [puro ako feeling] may addictive chemicals ang mga hair straightening ekek na yan, kasi they kept on doing it over and over [and so on..] again kahit na wala namang positive results, most of the times negative results pa nga.
Kung tutuusin media lang naman ang nagpalala ng lahat ng paghihirap ng mga kuloters. Parang I find it harsh at unfair na kaming mga unaters lang ang nabibigyan ng opportunity to shine. [Mas unat mas pretty. Mas unat mas papansinin ng boylet. Mas unat mas may chance mag-shine.] Paano ang kulot? [Ang kulot salot.] Ang harsh diba?
Ang diko talaga gets yung obsession nila para maging unat, parang may silent agreement sila na by hook or by crook kailangan maunat ang dapat maunat. Feeling ko din magiging sektor na din siya sa lipunan at eventually tumakbo na din bilang partylist sa kongreso [KULOTERS: Vote Straight]. They needed to be heard. They are calling for attention. At kapansin-pansin siya infairness.
Sa may mga kadatungan e hindi problema ito, isa pa din ito sa harsh reality na hinaharap ng kuloters. Kitang-kita ang pagkakaiba ng nagpa-straight na sagana sa datung at ang nagpa-straight ng inagaw pa sa pangaraw-araw na budget.
Why can’t they embrace what they have? I totally agree na ang hair ang ating crowning glory [bakit nga ba crowning glory? dahil ba sa ulo ipinuputong ang korana at sumasayad sa buhok?] at dapat siyang i-enhance at pagandahin in moderation.
Oh well… pakialam ko nga ba? Try ko kaya maging kulot baka sakaling iba na ang maging stand ko sa kuloters na unaters wannabe.

diva. 80% babae - 20% bakla. echosera. mahadera. blue curlers. komikera. gandang walang maliw. chovarloo addict. chism person. world peace enthusiast. 1 3/4's na OA. stressed-out poreber. spontaneously sweet. walking disaster. mishaps princess. with golden heart. poreber inlabs. sorta-kinda-medyo feeling goddess. girl-next-window. reyna ng tralala.
menggaY
on July 28th, 2007
ahhm…KUlot????? …ateng kahit anu hair style babagay naman po seU kz smooth and shiny hair mo….(asseT mo yan heheh)pwamiz….
wait ko na lang kong kelaN kaw papa CurLY….
MUAH!!!!
replytsina