one saturday

Finally, nagkita din kami ng long distance friend ko. :) Napagkasunduang magEB last Sat, biglaang pagyayaya lang yun. Grateful naman ako at naisingit niya ko sa ngaragan schedule niya. Superduper busy ang drama ng pag-uwi niya dito sa pinas [he's from cali], kaliwa’t-kanang engagement [o diba marky antarush parang celeb talaga] kaya superduper ko din naapreciate yung time na naibigay niya para lang magkita kami at last.

I met Marky sa isang forum site naming mga rushers [i.e listener of the morning show Morning Rush sa RX], he added me on friendster way back 2005 and that started our friendship. Nagdadaldalan ng mga drama sa kanya-kanyang buhay. Naghihingahan ng sama ng loob sa pambabalahura ng kapalaran sa’min. Nagpapalitan ng mga mapapait na kwento ng pag-ibig.

Medyo hindi na nga lang kami updated these past year dahil na din siguro sa kabusy-han ng isa at katralalahan naman ng isa [for sure ako yun]. Kaya medyo kinabahan ako sa pagkikita namin last Sat kasi hindi ko alam kung kami pa din yung dating kami [gets?].

I was a bit overwhelmed when we finally got to talk, as in talk yung daldalan na magkahap at nakikita ang reaction ng bawat isa. Nakakahiya nga na medyo disoriented ako nung una habang dumadaldal siya kasi parang di pa nagsisink-in sa’kin na kaharap ko siya in flesh.

Alam ko medyo OA, pero yun talaga ang nararamdaman ko that time. Ang dami kong gustong sabihin, gustong ikwento, gustong itanong pero hindi mahagilap ng U-tak ko.

But it turned out well [atleast for me], i guess. Mahirap kasing hulaan kung feel niya din yung meeting naming yun, pero ayos lang… Ang importante kahit papano I managed to atleast let him know na importante siya sa’kin.
Some things have changed. Siyempre naman nagmamature ang tao e, but surely he would remain one of my treasured friend. :)

Bookmark and Share
diva. 80% babae - 20% bakla. echosera. mahadera. blue curlers. komikera. gandang walang maliw. chovarloo addict. chism person. world peace enthusiast. 1 3/4's na OA. stressed-out poreber. spontaneously sweet. walking disaster. mishaps princess. with golden heart. poreber inlabs. sorta-kinda-medyo feeling goddess. girl-next-window. reyna ng tralala. etc. etc. etc.



SOME KINDA-MEDYO KAPAREHONG POSTS-SLASH-ENTRIES

2 Comments

menggaYNo Gravatar Unknow Unknow  on July 23rd, 2007



…nakakatuwa naman finally nagkita na rin kaYo…:) nakaka-kaba namaN talaga sa unang pagkikita..marami nag sisink in sa utak mo…kong oki ba cya, kong magiging maganda ba yung result after na magkita kaYo…pero ang mahalaga may nabuo kayo isang magandaNg pagkakaibigan, di man madalas ang inyong pagkikita…

Luvyah ateng:)

replytsina

jojieNo Gravatar Unknow Unknow  on July 25th, 2007



saya nga e. :) bitin sa oras..

replytsina

Leave a Comment