BLOGSPHERE
ngaragan days ngayon dito sa office, as usual mga cramming beauties kaming taga-opisina. may surveilance/audit kasi kami next week kaya eto kinukuba ang mga sarili para makapasa sa standard ng auditor. full-blooded pinoy talaga.
pero siyempre kahit na ka-busyhan days ngayon, i should find time to update this blog [sorry boss priority ito, hahaha!].
been blog hopping for the past week for two reasons, una para makahanap ng mga blogs na permanente kong babasahin, mababaw lang naman ang criteria ko sa pagpili e. eto yung mga yun.
- bukod sa interesante at malaman [given na yun sa karamihan ng mga blogs] kailangan may sense of humor naman.
- kaya ko maka-relate.
- impression ko sa author.
yung huli pinaka-importante kasi madali akong ma-turn-off sa mga suplada/suplado blogger especially newbie ako field na’to, kahit na elite blogger ka pa i wouldn’t waste my time on your page, para sa akin basura yun.
second reason was… wala lang, para lang masabi ko na dalawa ang reason ko. hehehe.
sa’king pagba-bloghop, nasiyahan naman ako… feeling ko nakakilala ako ng iba-ibang nilalang. napadaan din ako sa tinatawag nilang elite blogger [ansosyal diba? kahit sa blog world may mga leveling]. ok lang… keri.
nakapili din ako ng mangilan-ngilan, hopefully i find myself being freinds with them *big smiles*. special mention na si rho-anne, kasi warm ang pagkakawelcome niya sa’kin.
may isa pa pala akong napuna, most of the interesting blogs i’ve encountered are authored by pinoys abroad. it’s either they are living there for good or they just have moved there. hmm.. factor siguro talaga ang kalungkutan at homesickness para maging inspired ka to write.
oh well… ayoko naman na malungkot [although hobby ko din yun] para lang makapagsulat ng something interesting dito, i guess i should stick on what my blog title is all about… SPONTANEITY.

diva. 80% babae - 20% bakla. echosera. mahadera. blue curlers. komikera. gandang walang maliw. chovarloo addict. chism person. world peace enthusiast. 1 3/4's na OA. stressed-out poreber. spontaneously sweet. walking disaster. mishaps princess. with golden heart. poreber inlabs. sorta-kinda-medyo feeling goddess. girl-next-window. reyna ng tralala.