consistency ekek
Posted on June 21st, 2007
ilang araw ko ng napupuna na napaka-inconsistent ko, totoo walang istir, seryosohan.
isa pa naman yun sa ini-establish ko sa buhay ko, ang consistency feeling ko everything falls into place once you’ve been consistent sa lahat ng aspeto ng buhay mo. pag consistent ka [wag lang sa pagiging tanga ha] yung mindset mo sa mga dapat mong gawin at puntahan buo.
heto ako ngayon tralala, actually hindi naman talaga big deal ang mga issues ko sa buhay, kumbaga magawan ko lang drama ang dull kong life dito sa ibabaw ni mother earth, parang feeling ko lang gawing tragic para maisapelikula, oh anyway balik sa consistency…
umpisahan ko sa blog na ito ha, mula sa very first entry napaka-inconsistent na mula sa skin, font, at topics. feeling ko hindi ako makakakilala ng avid readers. how sad. gusto ko pa naman dumami ang circle of ka-blogs ko.
pangalawa sa work, feeling ko nawawalan na’ko ng gana. dati ipinangako ko na i-eenjoy ko siya pero gusto ko pa din naman i-enjoy e, pero minsan nabobore ako, pero like ko talaga siyang maenjoy, o diba napaka-inconsistent?!
sunod sa friendship, dito sobra ako talagang inconsistent aminado ako dun. madami na akong friends na hindi nakukumusta, hindi nadadalaw. kukumustahin ko sila once pero hindi nagkakaron ng consistency sa communication. hay. miss ko pa naman sila. i miss those days na feeling ko bahagi ako ng friendship. i promised na irerehabilitate ko yun pero hindi ko naman magawa. i really suck.
naiinis ako sa sarili ko. as in… parang wala akong nagagawang tama. pati sa pagba-budget ng pera sablay pa din!
kailangan masolusyunan ko ito as soon as possible. hindi pwedeng ganito na lang. kailangan lang siguro ng matinding will power and perseverance. aja!
buti na lang may isang consistent pa sa buhay ko, ang loveydubs ko. consistent sa pagtibok ang puso ko *kilig*, kahit mahirap, kahit malayo siya, consistent yung love [o diba ang taray!]. tama na yun para kahit papano magawa ang mga dapat kong gawin, itama ang mga dapat kong itama, at gawing consistent ang mga inconsistent sa buhay ko.
Mag-Comment Galore
SOME KINDA-MEDYO KAPAREHONG POSTS-SLASH-ENTRIES

