KERI
Posted on May 23rd, 2007
Parang mga hinahabol ng kabayo ang mga tao dito sa office!
May audit kasi bukas ang isang customer namin kaya heto were practising the art of procrastination. Full-blooded pinoy talaga, kung kailan may time saka hindi ginagawa ang mga dapat gawin, hobby gawing haggard ang mga sarili pag padating na ang deadlines.
Parang life [talagang may maisingit lang na makabuluhan] kung kailan matsutsugi na saka naman gagawa ng kabutihan galore. Ampangit diba?
E hindi naman sa nagmamalinis ako, kasi guilty din naman ako sa cramming at procrastination, pero nakakainis pala ang mga ganitong eksena. Oh well, dito ko lang naman kayang magreklamo hindi ko pa kayang mawalan ng trabaho.
Three months pa lang ako dito sa company na pinapasukan ko so far nae-enjoy ko naman . Keri naman, problema lang talaga dito ang pagpapanggap na may sistema pero wala naman talaga. May boss na may extra-curicular activities at may boss na mahadera atmay feeling boss.
Pero keri pa din. Sana huwag dumating yung point na hindi ko na siya naeenjoy. Mahirap maghanap ng trabaho. So… Keri.
Filed under: buhay ko
One Response to “KERI”
Mag-Comment Galore
SOME KINDA-MEDYO KAPAREHONG POSTS-SLASH-ENTRIES


August 30th, 2007 at 9:49 pm
keri mo yan teng haha. ganyan talaga life
replytsina