#25 – 30 DAHIL MADAYA AKO

Madaya ako. Hahaha! Shumoshorkat ako sa finish line. Sorry na. Loser na kung loser. E at least nagawan ko ng paraan. E yung magpapalusot pa daw ako? O sige na pwede niyo na akong parusahan. Latiguhin niyo ko o kaya ipakagat niyo ako sa langgam.

Seryoso, pasensiya at four entries short ako dito sa project ko. Alam ko wala kayong pakealam pero gusto ko pa ding magpaliwanag – na hindi talaga ako ubra sa ganitong plinanong kagagahan. Hahaha! Kaya nga spontaneity ang title ng blog na ito diba. Wow nakalusot. Hahaha!

Huling araw na ng July at pakiramdam ko naman 75% ng July ko ay naging masaya kagaya ng gusto kong mangyari. Pwede na yun, passing grade kumbaga. August na, kailangan ko na magmove-on at harapin ang bagong goal na – huwag magpatamad-tamad. Hindi niyo na naitatanong ang ganda ko kasing tamad. Gusto ko naman sana maging isang magandang masipag for a change.

Sana sipagin pa din akong gumawa ng entry. E eto ngang pinilit ko parang hindi umubra. Hahaha! E basta na lang. Gusto ko naman talaga mag-blog, ang dami ko lang topak na iniintindi sa buhay ko at higit sa lahat ako ang pinakamagandang topak na naimbento ng universe.

Keribells! Tuloy ang buhay. Salamat sa mga nag-abang ng kagagahan ko. E sana napangiti ko kayo at hindi nabwisit.

Bookmark and Share
SOME KINDA-MEDYO KAPAREHONG POSTS-SLASH-ENTRIES

#24 KRASHING

guji

Kras ko si Guji Lorenzana. Wala ng paligoy-ligoy. Hahaha. E ang wapo-wapo kaya o. Baka mahimatay ako pag nakita ko yan sa personal. OA ako?

Dear Guji,

Just so you know, pwede kang maging donor ng semilya sa magiging future baby(ies) ko. Owkay? Buti na yung malinaw.

Labandfrenchkisses,

Jojitah

Bookmark and Share
SOME KINDA-MEDYO KAPAREHONG POSTS-SLASH-ENTRIES

#23 SAD{NESS}

Ilang araw na din akong nalulungkot. Pinipigilan ko dahil pinangako ko sa sarili ko na hindi na ako magpapa-alipin sa random sadness na ito. Nagpi-PMS lang siguro ako. Bwisit. Sana nagiging halimaw na lang ako pag nagpi-PMS kesa ganito.

Ilang araw na din ako nakakaramdam ng pag-iisa. Oweano naming bago dun?! Lagi naman talaga ako mag-isa. E siguro dahil na din nalulungkot ako kaya namamagnify lahat ng issues ko. Keri na lang, kahit hindi nakakatulong ang gloomy na panahon sa bleakness na nararamdaman ko.

Shet na malagket! Ang drama ko. E sa yun yun e. Tapos namimiss ko pa ang tatay ko. Namiss ko kasing kumain ng enseladang pipino. E yun lang ang ka-jammin’ ko sa pagkain nun. Namimiss kong magkaroon ng kausap na totoong nakikinig. Yung may totoong interes sa nararamdaman ko. Yung pwede kong iyakan na pababayaan lang akong umatungal at yayakapin lang ako.

Ayoko ng ganito. Tumatakaw kasi ako pag nalulungkot ako. Sa pagkain ko ibinubuhos ang mga ka-shitan na nararamdaman ko. Sana bukas hindi na ako ganito. Pumapangit ako ng bongga. Paano ba i-eject ang sadness?

Bookmark and Share
SOME KINDA-MEDYO KAPAREHONG POSTS-SLASH-ENTRIES

#22 30 RANDOM FACTS NA HINDI PA NAIRANDOM

Sa daldal kong ito dito sa intarnet malamang sa malamang naiispluk ko na ang madaming bagay tungkol sa sarili ko na paborito kong subject bukod sa recess. Pero dahil gusto kong umeffort dahil kakabertday ko lang may I piga ko pa ang utak ko tungkol sa mga bagay ng hindi ko pa naise-share sa inyo. Alam kong wala kayong pakealam pero wala din akong pakealam kung wala man kayong pakealam. Bagong motto ko yan, kanina ko lang naisip.

O siya eto na:

(more…)

Bookmark and Share
SOME KINDA-MEDYO KAPAREHONG POSTS-SLASH-ENTRIES

#21 VERSION 3.0

I am officially 30. Wow. E kumusta naman ang bertday ko. Napaka-peaceful. Hindi naman dahil natulog ako maghapon ha. Hahaha! Nagtrabaho aketch noong bertday ko. Tamang-tama na pag sabado walang masyadong asungot sa opisina. Yun nga lang walang intarnet kaya mas extra peaceful.

Walang celebration na nangyari dahil walang anju. Keri lang naman. Ibinili naman ako ng aking labing sister and her labing bezy ng ice cream cake na orgasmic sa sarap at nagdala ang jowa ng isa ko pang sister ng manok galing KFC. Solb na!

Masaya naman ako buong araw. Ninamnam ko naman ang pagiging trenta ko. Parang kagaya lang naman nung kakadisiotso ko pa lang. Akala ko kasi pag nagtrenta na magkakaroon ako ng special ability kagaya ng pagsipol sa pamamagitan ng tenga. Something like that. Wala naman. Bingi pa din ako at sabog-sabaw ang pag-uutak. Hahaha! Pero pakiramdam ko naman nadagdagan ng isang tabo ang kagandahan ko, regalo siguro ng universe sa akin para din sa isang tabong karma na naipon ko sa loob ng thirty years.

Thank you nga pala sa lahat ng umeffort bumati. Ayoko ng i-enumerate baka naman sabihin nila feel na feel ko ang greetings nila. Hahaha! Sincere man o hindi isang bonggang pasasalamat sa inyo my dearies sa lahat ng pagbati – mula facebook hanggang twitter, pati na din yung mga nagtext {kung mababasa niyo man ang entry na itech}.

Now that I am thirty I will be extra bitchy. Nasabi ko lang naman yan dahil rhyme at kewl pakinggan. Pero pwede na din sigurong pangatawanan baka sakaling bumagay sa pagkatao ko. Hahaha. Pero seryoso ang gusto ko talaga e to be much bolder and braver. Oha! Ambangis nun sheet. Sana magawa ko. Kaya yan!

Bookmark and Share
SOME KINDA-MEDYO KAPAREHONG POSTS-SLASH-ENTRIES

#20 MORNING VIEW

Kahit naman sa boondok na ako umuuwi ngayon at hulasan ang byooti ko kaka-akyat-panaog, naaappreciate ko naman din yung perks ng pagtira sa boondok.

Morning View ang pangalan ng subdivision na tinitirahan naming ngayon. Ang kyot no? Parang laging may umagang kay ganda na nag-iintay. Akala ko nga nung una hindi lumulubog ang araw sa subdivision na yan. Ang korni ko? Hahaha!

Malamig sa nilipatan namin, malapit na kasi sa Tagaytay. Feel na feel ko ang malamig na klima, bagay sa mestisang negrang kagaya ko. Tahimik din at makakakita ka pa ng baka at kalabaw sa paligid. Pakiramdam ko tuloy minsan haciendera aketch. Hahaha! Mababait din ang kapitbahay, friendly at mukhang hindi pa masyadong tsismosa. Kung sakali kami pa lang ng pamilya ko ang tsismosa na tumuntong sa subdivision nay un. Hahaha! Kamalas nila kung sakali. Mababait din ang mga sekyu.

Kahit pagod sa mahabang paglalabay keri na, dahil nawawala naman ang stress ko pag-uwi. Yun nga lang may pagkakataong nakakainip din pag nasa bahay lang. Kami lang kasi ang maingay, parang einimoment irereklamo kami dahil sa noise pollution na dala namin. Masasanay din siguro ang mga kapit-bahay namin na parang may nagmigrate sa kanila na mga nakawala sa kural. Hahaha!

Bookmark and Share
SOME KINDA-MEDYO KAPAREHONG POSTS-SLASH-ENTRIES

#19 SA BARANGAY KAYA AKO MAGPALIWANAG?

Palpak na naman ako sa project ekek ko. Ano pa ba ang bago? Alangan naman sisihin ko ang lintik na bagyo dahil sinalanta niya ang kable ng intarnet sa opisina. Wala akong laban sa force of nature at wala akong balak lumaban dahil baka ang sunod nyang salantain.

Andami ko tuloy napanis na kwento. Keri na. Wala ng magagawa ang trenta anyos kong byooti. Tuloy padin naman ‘tong entry marathon ko alumanis. Papalabasin ko na lang na pang-isang buwanan ‘to. Oha! E naisalba ko din naman ang pretty self ko.

Sa kasalukuyan e pinagtiyatiyagaan ko muna magblog dito sa bago kong chilfone. Oo, pikit-mata kong pinabertdeyan ang sarili ko. Gusto ko naman matuwa ako sa sarili ko minsan man lang sa isang taon. Haha!

Sana magka-intarnet na sa opisina, gusto ko ng matapos ang project-slash-kagagahan ko na itech at ng makabalik na sa parang regla ko na paggawa ng entry - irregular.

Bookmark and Share
SOME KINDA-MEDYO KAPAREHONG POSTS-SLASH-ENTRIES

#18 FOUNTAIN OF YOUTH

Kung gusto kong maging boobs sa susunod kong buhay ang ayaw ko naman na maging ay tigihawat. Teka… Ano ba ang tama? Tigihawat o tagihawat? Wateber chever. E yun na nga ayokong maging tigihawat sa susunod kong buhay. Hindi kasi cute. Papansin lang pero hindi cute.

Hindi ko alam kung bakit ang tanda ko na tigihawatin pa din ako. Yung totoo napagod na nga ako kakaisip. Hindi kaya nasa tigihawat lang ang swerte ko hindi ko lang alam gamitin? Ohmaygash! O kaya may self-help book ba kung paano iconvert ang tigihawat into energy? Parang yung ginagawa sa taba ngayon. Para naman pakinabangan ko ang linsiyak na tigihawat na lab na lab magiskwater sa fez {at iba pang parte ng katawan} ko.

Siraulo kasi ang hormones ko, ibinabagay sa lagay ng utak ko. Iniisip ko na lang poreber na akong nagdadalaga at ang mga tigihawat ang aking fountain of youth. Hahaha! Siguro ito na din ang dahilan kung bakit feeling bata ako lagi. Epektib naman. Minsan napapagkamalan akong 18 years old *kumulog, kumidlat at bumuka ang lupa*, at nasabi ko na bang ang OA ko madalas? Pag kasi naman prinoblema ko ‘to magagaya ako sa mga babae sa commercial na hindi lumalabas ng bahay ng dahil lang sa tigihawat. Parang mas OA ata yun.

Pero madedepress na talaga ako pag 60 na ako puro pa rin ako tigihawat. Aasarin ko na talaga ang sarili ko na tigihawat na tinubuan ng tao. Oh noes.

Bookmark and Share
SOME KINDA-MEDYO KAPAREHONG POSTS-SLASH-ENTRIES

« Older Entries